Sunday, March 19, 2017

Umagang may PAG ASA

Natapos din ang mahabang araw ng pagbabyahe oo mahirap minsan dahil sa MAAGA pa mga alas 4 ay aalis na kami..dahil mag uumpisa ang event ng alas 6 ng umaga. inaantok pa ako kanina at yung pakiramdam na sarap pa matulog at nakatatamad na bumangon at maligo dahil sa lamig.

Pero ganyan ang buhay pag di ka kikilos walang mangyayari sa'yo lalo na't alam mo na ang isang bagay ay nagiging makabuluhan lamang kapag ito'y nagagamit ayon sa layon ng pagkagawa sa kaniya parang buhay natin na pag ginugol lang natin sa walang kabuluhan ay tila nasasayang ito at sa huli ay mapapa isip ka nalang na maraming mga araw kana palang napalagpas na wala manlang nagawang tagumpay o natapos na gawa.

May kadiliman pa sa paligid at ang tanging madadama ay ang lamig at ang ilaw ng mga sasakyan na nakakasalubong namin ang tanging makikita na minsan masakit sa mata, at pagka daan namin sa malawak na palayan ay natatanaw ko ang sikat ng araw na sumisibol sa paanan ng bundok.

gusto kung matulog sa byahe pero pinipigil ko, gusto kung sanayin ang aking sarili na pag bumangon ay wag nang matulog na muli, habang nakikinig ng musika na siyang tumutulong upang mapawi ang antok at makakapag bulay bulay ng mga bagay bagay na dapat gawin sa araw na ito.

Nakarating kami ng maaga at hindi na late masarap sa pakiramdam, hanggang sa lumipas ang buong maghapon kasabay ang sari saring mga gamapanin na ginawa ay muli kaming bumyahe pauwi, habang nasa byahe ay di ko napigilang mapaidlip, at nang magising ako ay nagkwentuhan kami ng mga plano na dapat gawin sa hinaharap para sa ikabubuti at ikaaayos.

at sa aking muling pagtulog ay maraming mga bagay ang pumapasok sa aking isip, mga pangyayari na ginawa ko at kung ano ang mga bagay na hindi ko ginawa, ang sarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga gampanin ay narito akong muli at muling matutulog at maghihintay ng araw ng bukas kung muling papapagkalooban ng buhay ng may-kapal.

may pag asang hinihintay na siyang dumadaig sa mga hamon ng buhay

"The only thing stronger than FEAR is HOPE"



No comments:

Post a Comment