Sunday, December 10, 2017

Isa na namang TAGUMPAY!

         Tayong mga tao ay may sangkap ng kalimot, at yun nga.. di natin maitatanggi yun maliban na kung isa kang robot na mayroong "8Gig" na memorya..pero hindi eh..salamat nalang at naimbento na ang mga modernong kagamitan, kagaya lamang nitong blogspot na ito, di gaya ng dati na kailangan mo pang gumamit ng papel at tinta para mapanatili ang mga ala-alang nais mong manatili na pupwede mong balikan pagkalipas long long years..hehe
          Maganda kasi dito e Free na at malaya ka pang makakapagpahayag ng mga saloobin at mga pangyayaring ayaw mong makalimutan, Well to make the story Short..gusto ko lang maisaysaya ang isang bagong tagumpay sa samahang Ang Dating Daan, ang Programang sa darating na Desyembre a -kinse (15) 2017 ay magdiriwang ng ika tatlong put pitong anibersaryo (37th Years) kwento ko lang na noong nakaraang buwan ay nagbukas ang isa pang lugar ng Pagkakatipunan sa Badiangan Pototan na kung tawagin ng marami ay "simbahan". Nobyembre 25, 2017 alas-10 ng umaga,


        Dinaluhan ng mga opisyales ng Dibisyon Bro nani, sis Emelour, at si Bro Boni, kasama siyempre ang nangangasiwa sa Dibisyon si Bro V.(DC)..bigla na lang kasing pumasok sa isip ko bakit hindi ko kaya i publish ito sa Blog para kung dumaan mang ang mahabnag panahon at pagkaloobang buhay pa tayo ay muli ko itong mababasa at maalala ang mga pangyayaring naganap noong bago opisyal na buksan nag lokal na ito.
             lalo kung napapatunayan ang sinabi ni Bro Eli na nakasulat sa Biblia na ang bayan ng Dios ay Kanyang Pararamihin...

JEREMIAS 30:19-22
      At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila’y hindi mangangaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila’y hindi magiging maliit.
        Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya ng una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila. 
            At ang kanilang taga-akay ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon. 
              At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios. 


salamat sa Dios sa mga bagay na ito.

Friday, April 28, 2017

Nabasa ko ito noong taong 2007, buti at nakita ko pa.

LUMPIA?

I saw this article few years back from a certain "EhPinoy" 

sa kanyang Brinkster blog. Unfortunately, 

missing link na ito. Buti na lang the article was saved.



Napanood n’yo na ba ang palabas na "Ang Dating Daan" sa RJ TV 29
na dating nasa channel 13. At ang host nito ay si Mr. Eliseo F. Soriano
 at hindi si Brod Pitt no! Ano hindi n’yo kilala si Mr. Eliseo Soriano.
Ok…ok…kung hindi ninyo talaga siya kilala eh i-describe ko na lang s’ya sa inyo.

Tan…Ta…Na…Nan…Tan…Tan…Tan…Tan…..Tan !!! (torotot).

Kinalulugod kong ipakilala si Mr. Eliseo Soriano…..


Nyeeeeee!!! Bakit lumpia?!!! Ano ba namang utak meron ako waaahh!!!

Seriously, maaring nagtataka kayo kung bakit
lumpia ang pumasok sa utak ko. We'll ewan ko rin
kung bakit.basta ang alam ko lang eh ito.

Dear Ate Helen, (sabay tugtog ng background music)

Isang araw pagkatapos ng pasok ko sa school
naisipan kong dumaan sa Munoz kasi may Coordinating Center
 pala sila doon. Maiinit ang sikat ng araw ng mga oras na 'yun, tagaktak
ang pawis ko. Aray ko ang sakit na ng tiyan ko kasi
di pa ako kumakain ng tanghalian. Kahit na parang tambol na ang tunog ng tiyan ko
at tila mamamatay na ang mga alaga ko.eh ok lang kasi pamasahe lang ang baon ko.

Hayyyy sa wakas nakarating din ako waaah ang INIT nakakauhaw.

Eh Pinoy : Magandang tanghali po dito po ba yung Ang Dating Daan?
Babae : Oo Brod, bakit po.
Eh Pinoy : Kasi po napanood ko sa TV na may doktrina daw po ngayong Lunes?
Babae : Ahh.meron nga pero mamaya pang 7:00 PM ang umpisa ng doktrina.
Eh Pinoy : Ha.alas-siyete pa po.

Patay anong gagawin ko.alas 4 pa lang.

Babae : Kung gusto mo maupo ka na lang muna d'yan at hintayin mo na lang.
Eh Pinoy : O sige ho.pahingi na lang po ng tubig..
Babae : O sige.

Makalipas ang limang taon at bumalik sa tamang
pag-iisip si Rosalinda at binalikan ang kanyang anak kay
 Fernando Jose. Nyeee ibang palabas yata 'yun ah.

Ang tagal mag-a-ala-singko-medya pa lang. Nakakainip. Wala
 akong ibang magawa kundi panoorin ang mga nagluluto sa kusina
 na dinadaan-daanan ako. Makatulog na nga lang muna.

Nakakainis di ako makatulog.dinadaan-daanan lang ako dito.
 Hmmm.Etong isang ito.kanina pa daan ng daan itong nagluluto na ito ahhhh. Nakakahilo
 siya no.Nang biglang ngumiti.


Anong ngini-ngiti nito sa akin kilala ba kita (sabi ko sarili).
Ngiti na lang din ako sa kanya. At dumaan uli 'tong nagluluto na ito sa harap ko.ng
 biglang nasabi ko sa sarili ko.Hindi ba ito si Mr. Eliseo Soriano.yung mismong
host ng..sya nga....siya nga.si..si.si. Bro. Eli.Si Bro. Eli.

Hindi ako makapaniwala si Mr. Eliseo Soriano ang taong ito.
Ang taong pabalik-balik sa kusina na abala sa pagluluto ng lumpia.di ako makapaniwala.di ako
makapaniwala.di talaga ako makapaniwala Ate Helen.
Kahit sino eh hindi rin agad s'ya makikilala: naka-shorts,
 magulo ang buhok dahil sa pagluluto, pawisan dahil sa init habang
hinahalo ang lumpia sa kumukulong mantika.

Siya ba talaga ito? Baka kapatid nya lang? Baka kamukha lang.
 Mga katagang pumasok sa aking isipan ng makita ko ang taong ito.
 Wala akong masabi, hanga ako sa taong ito. Kaya kung sinoman
ang nagsasabi na kurakot itong taong ito.sa maliit na paraan
 na ito masasabi ko na nakita ko ang isang bagay na hindi nakita ng karamihang sa atin.

Naghahanap buhay Sya upang maitaguyod ang kanilang
 samahan at hindi umaasa sa abuloy ng Miembro.


Yan Si Bro. Eli Soriano!

Sunday, March 19, 2017

Umagang may PAG ASA

Natapos din ang mahabang araw ng pagbabyahe oo mahirap minsan dahil sa MAAGA pa mga alas 4 ay aalis na kami..dahil mag uumpisa ang event ng alas 6 ng umaga. inaantok pa ako kanina at yung pakiramdam na sarap pa matulog at nakatatamad na bumangon at maligo dahil sa lamig.

Pero ganyan ang buhay pag di ka kikilos walang mangyayari sa'yo lalo na't alam mo na ang isang bagay ay nagiging makabuluhan lamang kapag ito'y nagagamit ayon sa layon ng pagkagawa sa kaniya parang buhay natin na pag ginugol lang natin sa walang kabuluhan ay tila nasasayang ito at sa huli ay mapapa isip ka nalang na maraming mga araw kana palang napalagpas na wala manlang nagawang tagumpay o natapos na gawa.

May kadiliman pa sa paligid at ang tanging madadama ay ang lamig at ang ilaw ng mga sasakyan na nakakasalubong namin ang tanging makikita na minsan masakit sa mata, at pagka daan namin sa malawak na palayan ay natatanaw ko ang sikat ng araw na sumisibol sa paanan ng bundok.

gusto kung matulog sa byahe pero pinipigil ko, gusto kung sanayin ang aking sarili na pag bumangon ay wag nang matulog na muli, habang nakikinig ng musika na siyang tumutulong upang mapawi ang antok at makakapag bulay bulay ng mga bagay bagay na dapat gawin sa araw na ito.

Nakarating kami ng maaga at hindi na late masarap sa pakiramdam, hanggang sa lumipas ang buong maghapon kasabay ang sari saring mga gamapanin na ginawa ay muli kaming bumyahe pauwi, habang nasa byahe ay di ko napigilang mapaidlip, at nang magising ako ay nagkwentuhan kami ng mga plano na dapat gawin sa hinaharap para sa ikabubuti at ikaaayos.

at sa aking muling pagtulog ay maraming mga bagay ang pumapasok sa aking isip, mga pangyayari na ginawa ko at kung ano ang mga bagay na hindi ko ginawa, ang sarap sa pakiramdam na sa kabila ng mga gampanin ay narito akong muli at muling matutulog at maghihintay ng araw ng bukas kung muling papapagkalooban ng buhay ng may-kapal.

may pag asang hinihintay na siyang dumadaig sa mga hamon ng buhay

"The only thing stronger than FEAR is HOPE"



Saturday, March 11, 2017

Youtube ekwals pera

Dami na ngayong nahuhumaling sa panonood ng mga movies, Korean Series, tutorials at kung anu anu pa..dahil sa makabagong teknolohiya..Kahit nga lang sa celpon pwede nang mag internet at makapag bukas at play ng mga videos..lalo na kung may wifi o kaya may load ang phone mo..

May natapos at walang natapos..nakapag aral man o di nakapag aral basta marunong gumamit nga kumpyuter e para ka naring nag aral ng 10 taon sa matututunan mo sa pagbobrowse ng mga video sa Youtube oo youtube..na halos lahat na yata ng mga video ay na e upload na sa kanya mapa luma man o bago, mapa aliw man o kwela, nasa youtube na lahat..kahit ang pagka luma lumang awit nandoon na..

Pero alam nyo ba na sa panonood ng mga video sa youtube ay kumikita ang may ari ng video o uploader nitu lalo na kung marami na ang nagviview dito at nag susubscribe sa kanilang channel, yes opo tumpak!pwede palang kumita sa pamamagitan ng youtube..
Yun nga lang..paano? how? Yun ay sa pamamagitan ng mga komersyal na lumalabas bago ka manood o mga banner na makikita sa gilid ng youtube, kailangan lang na magkaroon ka ng akawnt sa paypal at e konek ang iyong youtube account sa addsense at yun! Bawat view ay katumbas ng points na papasok sa paypal account mo.
Kakaantok na magsulat..😩 mag koment nalang ang may tanong..😅