Tayong mga tao ay may sangkap ng kalimot, at yun nga.. di natin maitatanggi yun maliban na kung isa kang robot na mayroong "8Gig" na memorya..pero hindi eh..salamat nalang at naimbento na ang mga modernong kagamitan, kagaya lamang nitong blogspot na ito, di gaya ng dati na kailangan mo pang gumamit ng papel at tinta para mapanatili ang mga ala-alang nais mong manatili na pupwede mong balikan pagkalipas long long years..hehe
Maganda kasi dito e Free na at malaya ka pang makakapagpahayag ng mga saloobin at mga pangyayaring ayaw mong makalimutan, Well to make the story Short..gusto ko lang maisaysaya ang isang bagong tagumpay sa samahang Ang Dating Daan, ang Programang sa darating na Desyembre a -kinse (15) 2017 ay magdiriwang ng ika tatlong put pitong anibersaryo (37th Years) kwento ko lang na noong nakaraang buwan ay nagbukas ang isa pang lugar ng Pagkakatipunan sa Badiangan Pototan na kung tawagin ng marami ay "simbahan". Nobyembre 25, 2017 alas-10 ng umaga,
Dinaluhan ng mga opisyales ng Dibisyon Bro nani, sis Emelour, at si Bro Boni, kasama siyempre ang nangangasiwa sa Dibisyon si Bro V.(DC)..bigla na lang kasing pumasok sa isip ko bakit hindi ko kaya i publish ito sa Blog para kung dumaan mang ang mahabnag panahon at pagkaloobang buhay pa tayo ay muli ko itong mababasa at maalala ang mga pangyayaring naganap noong bago opisyal na buksan nag lokal na ito.
lalo kung napapatunayan ang sinabi ni Bro Eli na nakasulat sa Biblia na ang bayan ng Dios ay Kanyang Pararamihin...
JEREMIAS 30:19-22
At mula sa kanila magmumula ang pagpapasalamat, at ang tinig ng nangagsasaya: at aking pararamihin sila, at sila’y hindi mangangaunti; akin ding luluwalhatiin sila, at sila’y hindi magiging maliit.
Ang kanilang mga anak naman ay magiging gaya ng una, at ang kanilang kapisanan ay matatatag sa harap ko, at aking parurusahan yaong lahat na nagsisipighati sa kanila.
At ang kanilang taga-akay ay magiging isa sa kanila, at ang kanilang puno ay magmumula sa gitna nila: at aking palalapitin siya, at siya'y lalapit sa akin: sapagka't sino yaong nangahas upang lumapit sa akin? sabi ng Panginoon.
At kayo'y magiging aking bayan, at ako'y magiging inyong Dios.
salamat sa Dios sa mga bagay na ito.
