Friday, December 7, 2018

HAHAHA

hahaha

Yan ang chat/text masaya na hindi naman pala..

kala mo talaga nakatawa pero kabaligtaran ito sa actual nyang hitsura, minsan nakakawalang gana kausap ang haha ng haha kahit walang namang nakakatawa sa usapan, sabihin nating bahagi ito ng millenials era daw kahit na para kasing di kaaya aya na kakausapin ka ng tao at mag haha ng haha ka samantalang di naman nakikipagtawanana sayo (anong meron? o nu ginagawa mo?) nang iinsulto kaba o ano?

May mga tao pala na para bagang namimili ng pakikisamahan at papakitaan ng mabuting asal, pag sa tingin nila lowered class ka lang haha ng haha na parang tanga (oops!) kinakausap ka hoy!at di nakikipagbiruan sayo ang tao wag kang mag ala gorilya, sana lahat itrato mo ng maayos dahil nag rereflect sayo ang ugaling pinapakita mo.

Kaya mas maganda siguro pag haha ng haha ang kausap mo tumawag kana sa zoo dahil malamang doon galing ang kausap mo, sana matuto tayong rumispeto sa kausap maibalik ang magandang pag uugali na magalang (liban na kung yun ang kinalakhan mo walang galang talaga) pag ganun nga wala tayong magagwa kundi wag nalang pansinin.

laging isa isip na laging mag isip bago bumitaw ng salita.

-Buntong Hininga

BE HUMBLE!

BE HUMBLE!

Salitang alam sabihin subalit di napapansin na di mo ito taglay, kailangan pa bang uulit ulitin o talagang naiintindihan mo lang ang katagang yan na para bagang tumutukoy lamang sa iyong kapwa, pero sa iyong sarili ay di makita, sabi nga bago mo tingnan ang puwing ng iyong kapatid e dapat pansinin mo una ang tahilab na nasa iyong mata.

Ito ang mga katagang nais kong e letra dahil sa paulit ulit na umuusal sa kalooban ng aking kaisipan sa mga pagkakataong may nasasaksihan akong mga taong biglang tumaas at masyado ng bilib sa sarili na tila alam na ang lahat.(rewind muna) ano ka ba dati o ano ba tayo dati? Ano ba ang nasa atin ngayon na di natin natanggap at kung tinanggap natin bat parang umaasta tayo na tila nakuha natin ito sa ating sarili, pakaisipin at pakaalalahanin na tayo'y mga sukal lamang sa simula, isang uri ng mababa at di dapat mag iba at laging magpakababa na ipalagay ang iba na mas mabuti o magaling kaysa iyo. 

 Ilang alarm clock pa ba ng aral at ilang tao pa kailangan upang ang kahambugan ay mabawasan, lagi naman tayong inaaralan na may kasama pang malakas na palakpakan dahil sa daloy ng katwiran na masarap sa kalooban pero bakit ganun parang nanalamin lang na pagdakay nakalimutan na kung sino siya, oo maayos maganda ang naisagawa kaya lang ang sarili naayos na ba? buklatin ang kasulatan at mababasa na tayoy mananatiling walang kwenta na ginamit lang ng may aring manlilikha kaya sana panahon na para mag isip isip o magbulay bulay ugali ba ay tama kung sa tingin mo ay tama ka nagkakamali ka. 

 Wala kasing matuwid sa lupa na gumagawa ng mabuti at di nagkakasala kaya sana laging isaisip na di tayo magaling di salita lang kundi sa gawa makikita na talagang ikaw ay nagpapakababa baka kasi bumubuka sa bibig mo na di ka magaling pero sa inaasta mo e parang alam mo na ang lahat..kaya laging mag isip! Baka naiba kana o baka sobra na ang iyong ipinapakita at di mo namamalayan natatangay kana sa masyadong kabiliban mo sa iyong sariling kakayahan.

Lubos na nagmamahal, 
BUDHI